Pages

Wednesday, July 28, 2010

Babaero Moves: Hindi Nagpapapicture



Ang isang tatak na babaero, hindi hindi sila nagpapapicture. kasi nga naman ang mga babae mahilig mag post sa facebook o friendster at minsan gagawan pa ng profile picture..
Kaya malayong malayo kang makakahuli sa mga picture kasi never nila gagawin yun.

Puro lalaki ang mga nasa phonebook


I check nyo ang kanilang phonebook. bibigyan ko kayo ng mga technique. eto ang ilan samga ginagamit nila,.

Jenny = Jano
Gretchen = Gardo
Marie = Mario
Carla = Carl

ayan po ang mga halimbawa sa pagpapalit nila ng pangalan ng babae ginagawa lalaki sa phonebook.. umaksyon na mga kumare... at tignan ang kanilang cellphone .. ngayon kung puro lalaki ang nandun...hmmmmm nakakaamoy ako ng lanssa..

Dalawa ang Mobile and Sim card


kaduda duda mga kumare. Bakit meron syang dalawang mobile at simcard? Kasi minsan ang ibang babae ay mahilig mangalkal ng mobile. kaya eto ang isang babaero ay meron syang pang pamilya celphone at meron syang pambababae cellphone.

Placing sa restaurant

Mga kumare, marunong mag-placing sa restaurant ang mga babaero. Kadalasan ay pupunta sila sa isang sulok at medyo madilim para di sila makita.

Hindi mo yan makikita sa tabi ng salamin o bintana. At lalong lalo na hindi mo sila makikita sa mamahalin na restaurant. Sympre dadalhin nila ang babae nila sa murang restaurant at sa gayon meron pa natitira pera para sa ibang babae nila.

Siguro naman kumare, alam mo naman ang dapat mong gawin pag nagdududa ka na kumain sila sa restaurant.

Tatak Babaero


Oo tama kayo mga kumare, maraming nagsasabi na ang nababansagan na "babaero" ay nakakadagdag ng pagkalalaki. Ngunit, datapwat ang mga tunay na babaero ay ayaw nila ipagkalat na isa silang BABAERO at lalong ayaw na ayaw nila natatawagan na "babaero" dahil iyan ay ang kanilang golden rule. Kaya pag ang iyong asawa o boyfriend ay ayaw nila matawagan na babaero hmmmmm maghinala ka na kumare....

Milleage Technique


Mga kumare gasgas na ang technique ninyo na icheck ang milleage nila. Di nyo ba alam ang isang Bangus (matinik) alam nila kung pano nyo chinecheck ang kanilang milleage. Ang ginagawa nila ay iiwan nila ang sasakyan nila sa desyerto o kaya sa may Gas Station at mag tataxi nalang o dikaya mag rerenta ng sasakyan para di nyo mahalata na pumuslit sila at nakampambabae. Kaya kung ako sa inyo mga kumare matutong magdrive para pwede ninyo sila sundan. O dikaya puntahan ang lahat ng Gasoline Station at desyerto at sigurado ko naman kilala nyo ang sasakyan ng asawa nyo.

Para sa mga Babae


Kayo ba ay nagdududa sa mga asawa at boyfriend nyo. Huwag na kayong mag-alala nandito na ang kasagutan sa mga technique sa panghuhuli ng isang babaero moves.......

- ang may akda